^

Metro

600 motorcycle riders nasampolan

Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon
600 motorcycle riders nasampolan
Mahigpit na ipatutupad ng Metropolitan Manila Development ­Authority (MMDA) ang Motor Cycle Lanes sa mga pangunahing kalsada kabilang na ang kahabaan ng Macapagal Avenue, Roxas Blvd, kahabaan ng Edsa at iba pa bukas (Monday). Papatawan ng P500 kada motorcycle riders na lalabag sa nasabing implementasyon.
Boy Santos

MANILA, Philippines – Umaabot na sa 600 riders ang nasampulan kahapon sa unang araw na isinagawang ‘dry run’ kaugnay sa pagpapatupad ng motorcycle lane policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa darating na Lunes.

Ayon kay MMDA Ge­neral Manager Tim Orbos, nasa 625 na riders ang nasita mula sa C-5 at sa kahabaan ng EDSA kahapon.

Ang mga motorcycle riders na sinita ay lumabag sa motorcycle lane policy na pormal na ipatutupad ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT), Department Of Transportation (DOTr) at MMDA sa ilang major thoroughfares bukas (Nob. 14).

Ilang motorsiklo ang binaklas ang plaka dahil ang nagmamaneho ay walang lisensiya.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang magiging violation nito ay magmumulta ng P500 kapag hindi dumaan sa tamang lane, P1,500 na walang suot na helmet habang nasa P150 naman ang multa pag walang plaka ang motorsiklo.

Ito ay base na rin sa derektiba sa kanila ng Inter-Agency Council on Traffic (IACT) ng Department Of Transportation (DOTr) para na rin sa kaligtasan ng mga rider.

MOTORCYCLE RIDERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with