^

Metro

Ex-con nagwala, utas sa mga parak

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang ex-convict na kilalang lulong sa iligal na droga at sangkot sa panghoholdap makaraang makipagbarilan sa mga pulis na rumesponde sa kanyang pagwawala, Miyerkules ng gabi sa Caloocan City.

Nakilala ang nasawi na si Marlon Servano, 33,at residente ng Package 1 Block 27 Lot 2 Brgy. 176 Ba­gong Silang, ng naturang lungsod.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7 ng gabi nang rumesponde ang mga tauhan ng Caloocan City Police North Extension Office sa ulat nang pagwawala ng isang armadong lalaki sa naturang lugar. Inabutan ng mga pulis si Servano na pinagbabantaan na papatayin ang purok leader na si Leonor Quirante habang armado ng isang sumpak.

Tinangkang payapain ng mga pulis ang suspek na nanakbo, pumasok sa loob ng isang bahay at pinaputukan umano ang mga pulis.  Gumanti naman ang mga alagad ng batas dahilan ng pagkasawi nito.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na alas-7 ng umaga nang tangkaing sunugin ni Servano na nasa impluwensya ng iligal na droga, ang bahay ng kanyang kapatid na babae makaraang tumanggi na magbigay ng pera.

Napag-alaman na kalalaya lang ni Servano makaraang pagdusahan ang isang kaso ng murder.  Inamin rin ng mga kaanak nito na sugapa sa iligal na droga ang nasawi at sangkot sa mga insidente ng panghoholdap.

Samantala, isa pang hindi nakikilalang lalaki ang natagpuan na isinilid sa isang sako, kahapon ng mada-ling araw sa naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay na isinilid sa sako ng bigas sa may Block 25 Tanigue Street, Brgy. North Bay Boulevard South, ng naturang lungsod.

Inilarawan ang biktima na nakasuot ng checkered na shorts at walang damit pang-itaas, balot ng packa-ging tape ang buong mukha, nasa pagitan ng edad 40-45 anyos, 5’1”-5’2” ang taas, katamtaman ang katawan, may tattoo na Buknoy sa kaliwang balikat, tattoo na ‘Ador’ sa kaliwang bahagi ng likod at  tattoo na dragon sa kaliwang hita. 

NAGWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with