^

Metro

MMDA todo-handa na sa Metro-wide shake drill, bukas

Lordeth Bonilla at Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bukas na isasaga-wa ang pangalawang Me­tro-wide shake drill ng Metropolitan Man­i­­­la Development Autho-rity (MMDA) kung saan ilang kalye ang isasa­ra sa Kalakhang May­nila.

Nabatid na eksaktong alas-9:00 ng umaga, maririnig sa lahat ng radio at telebisyon gayundin ang sabay sabay na kalembang ng schools bells, door bells, church bells, at sirena ng mga sasakyan bilang hudyat ng pagisisimula ng shake drill simulation exercise.

Ang lahat ng kawani ng MMDA  ay lalahok sa pagsasagawa ng “duck, cover and hold”.

Kasabay  dito ang matutunghayang iba’t ibang senaryo tulad ng pagguho ng tulay at gusali aberya ng mga trains, gayundin kung paano magreponsde ang mga rescue teams.

Sasabay din dito ang lalawigan ng Bula­can, Cavite, Rizal, at Laguna sa gagawing drill.

Layunin nito na ma-ging handa ang lahat sa  tinaguriang “The Big One” o mala­kas na pag-­lin­dol kung saan sa pamamagitan nito maibsan o kung maaari walang magiging biktima  o  masawi oras na tumama ang malakas na lindol.

Kaugnay nito, ilang lansangan sa Metro Manila na gagamitin sa drill ang isasara kaya pinayuhan ang mga mototista na alamin ang mga alternate route.

Maging ang lahat ng mga paaralan naman sa buong bansa ay sasabay din sa pagdaraos ng earthquake drill bukas, ayon sa Department of Education (DepEd).

Ayon kay Education Secretary Br. Armin A. Luistro, layunin rin ng na­turang drill na i-assess ang antas ng kapasidad ng mga paaralan at mga komuni­dad sa panahon ng mga disaster at emergency. “An integral part of this exercise is to discuss with the teachers and the students safety precautions and other must-know measures about
earthquakes,” ani Luistro.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with