^

Metro

Pasig fire: 4 katao natusta

Mer Layson at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat katao na kinabibilangan ng dalawang lolo at dalawang paslit, ang nasawi sa sunog na naganap sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Pasado alas-8:00 ng gabi nang matagpuan ng mga awtoridad ang mga sunog na bangkay ng mga nasawing sina Quelcy Mhiel Peligro, 4; Joe Anne Faye Peligro, 2; Fidel Lacio, 60; at Enrique Sanchez, 64, pawang residente ng E. Santos St., sa Barangay Palatiw, Pasig City.

Batay sa ulat ng Pasig Bureau of Fire Protection, pasado alas-4:00 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa  ikalawang palapag ng bahay ng isang Widney Rivas, na matatagpuan sa nabanggit na lugar at mabilis na kumalat sa may 50 kabahayan.

Unang iniulat na nawawala ang mga biktima at natagpuan na lamang ang bangkay ng mga ito habang nagsasagawa ng mopping operation ang mga awtoridad.

Umabot ng ikalimang alarma ang sunog na naa­pula dakong alas-5:15 ng hapon at nagresulta upang mawalan ng tahanan ang mahigit 100 pamilya sa lugar.

Nasa 50 namang kabahayan na gawa sa light materials ang naabo sa naganap na sunog.

Tinatayang aabot sa P5 milyon ang halaga ng mga ari-ariang natupok sa sunog.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with