^

Metro

Chinese inutas ng kapwa Chinese

Rickytulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaking Chinese national makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin ilang minuto matapos na makipagtalo sa isang hindi nakikilalang kababayan nito sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal In-vestigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) nakilala ang biktima na si Li Changge, 53,  ng Hebein, China.

Ayon kay PO2 Jaime de Jesus, patuloy nilang inaa- lam ang taong huling kausap ng biktima bago nangyari ang krimen.

Sa pagsisiyasat ni PO2 De Jesus, naganap ang in­sidente sa may kahabaan ng G. Aquino St., Brgy. Bali­ngasa sa lungsod, ganap na ala-1:50 ng madaling-araw.

Sabi ng isang saksi, nagi-sing siya mula sa ingay ng aso at sigawan ng mga lalaki sa labas ng kanyang bahay.

Dahil dito, nagpasya siyang  tignan ang pinagmu­lan nito kung saan niya na­­kita ang biktima at isa pang lalaki na nagtatalo sa salitang Chinese. Matapos nito, nakita ng saksi ang lalaki na sumakay sa isang kotse saka umalis sa lugar.

Ilang sandali pa, isang sasakyang kulay pula na hindi mabatid ang plaka naman ang dumating at nakipag-usap ang sakay nito sa biktima bago umalis din agad. Pagkatapos nito ay nakarinig na lang anya siya ng limang putok ng baril mula sa nasabing lugar at nang kanyang alamin ay nakita niya ang biktima na dahan-dahang naglalakad sa kalye hanggang sa bumuwal sa lupa.

Tiyempong napadaan sa lugar ang nagpapatrulyang barangay tanod ng Bali-ngasa at nakita ang biktima saka ipinagbigay alam ito sa awtoridad.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala at dalawang metal fragments, ang kulay itim na shoulder bag ng biktima na naglalaman kanyang passport at mga identification card at wallet na may lamang hindi nabatid na halaga.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with