^

Metro

3 holdaper ng bus, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kalaboso ang tatlong kilabot na holdaper matapos maaktuhang hinoholdap ng mga ito ang isang pampasaherong bus kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Kinilala ni Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police ang mga suspek na sina Alexander Prim Cruz, 35; Vince Mardy Castro, 20, kapwa naninirahan sa Lotus St., C-4, Bara-ngay Longos, Malabon City at Agustin Jamil, 45, ng Sa-ngandaan, PNP Compound, Caloocan City.

Nakakulong ang mga itosa Pasay City Police de­tention cell dahil sa mga ka­song robbery in band, paglabag sa Republic Act 10591(Comprehensive Law on Firearms), paglabag sa RA 9516 (Explosive Law) at pagla-bag sa Batas Pambansa Bilang 6 (Illegal Possession of deadly weapons).

Ayon sa imbestigasyon ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-2:00 kahapon ng madaling-araw sa  Roxas Boulevard,  tapat ng H.K. Sun Plaza ang  nasabing lungsod.

Binabagtas umano ng isang Commuters Bus Lines  na may plakang AAI-2268 at biyaheng EDSA-Baclaran, nang holdapin ng mga suspek, na nagpanggap na mga pasahero.

Tiyempo namang nag-papatrolya sa naturang lugar ang mga kagawad ng Pasay City Police at na­­mataan nila ang bus kung saan nag­hinala sila na may nangyayari sa loob nito.

Hindi nagpahalata ang mga nagpapatrolyang mga pulis at hinintay muna nila kung may bababa mula sa bus. 

Positibo ngang buma­baba ang mga suspek at dito na nila sinakote kung saan nabatid na mga holdaper nga ito.

ACIRC

AGUSTIN JAMIL

ALEXANDER PRIM CRUZ

ANG

BATAS PAMBANSA BILANG

CALOOCAN CITY

CITY

COMMUTERS BUS LINES

MGA

NBSP

PASAY CITY POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with