^

Metro

Rollback uli sa presyo ng petrolyo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nag-rollback sa presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies ngayong araw na ito ng Martes (Enero 26).

Ang rollback ay pinangunahan ng Pilipinas Shell at Petron  at epektibo ito alas-6:00 ng umaga.

Ayon kina Ina Soriano, ng Pilipinas Shell at Raffy Le­desma, ng Petron, bumaba ng P1.10 kada litro ang kerosene; P0.90 kada litro sa diesel at P0.60 naman kada litro sa gasoline.

Nabatid naman kay Ana Coscuella, ng Total Philippines, nagpatupad rin sila ng bawas presyo sa gasolina at diesel na parehong halaga.

Inaasahan namang mag-aanunsiyo na rin ng rollback  ang iba pang oil companies  ng may kahalintulad na halaga.

Nabatid na ang muling rollback ay bunsod ng paggalaw ng presyo nito  sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan, na  huling nagpatupad ng bawas presyo sa  mga produktong petrolyo ay noong Enero 19 ng taong kasalukuyan.

vuukle comment

ACIRC

ANA COSCUELLA

ANG

AYON

ENERO

INA SORIANO

NABATID

PETRON

PILIPINAS SHELL

RAFFY LE

TOTAL PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with