^

Metro

P10-M pekeng cosmetics nasamsam

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P10-milyong halaga ng pekeng cosmetic products ang nasamsam ng mga elemento ng Manila Police District sa isinagawang pagsalakay sa isang bodega sa Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat mula sa tanggapan ni MPD-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) chief, S/Insp. Rosalino Ibay Jr., nakatanggap sila  ng impormasyon hinggil sa bodega na pinaglagakan ng mga produktong walang kaukulang lisensiya at hindi rin rehistrado sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) kaya nag-aplay sila ng search warrant na inaprubahan naman ni Hono-rable Judge Zaldy Docena ng Malabon Regional Trial Court Branch 170.

Ginamit nila ito sa  pagsalakay sa warehouse na matatagpuan sa PNR  Compound sa A. Rivera St. Tondo.

Bigo silang maaresto ang may-ari ng bodega na si Wilson Co ng Unit  9 at 10, bagamat nasamsam lahat ng mga produkto na nagbuhat umano sa bansang China.

Ipinasuri ng DPIOU sa BFAD ang cosmetic products para madetermina na may tag­lay na mapanganib na kemikal para gamiting ebidensiya laban sa negos-yante.

ACIRC

BIGO

DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATION UNIT

GINAMIT

HONO

JUDGE ZALDY DOCENA

MALABON REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

MANILA POLICE DISTRICT

RIVERA ST. TONDO

ROSALINO IBAY JR.

WILSON CO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with