Driver binurdahan ng saksak sa loob ng pinapasadang jeep
MANILA, Philippines – Nadiskubreng naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay ang isang 45-anyos na driver sa loob mismo ng ipinapasada nitong dyip sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.
Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Noel Desingano, ng Block 8-D, Lot 3, Model Community Housing, Moriones, Tondo, Maynila sanhi ng mga saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Wala pang natutukoy na mga suspek bagamat inaalam kung may kinalaman ang dalawang lalaki na nakainuman nito sa loob ng nakahimpil na dyip.
Sa ulat ni P03 Marlon San Pedro ng Manila Police District Homicide Section, nakita na lamang ang biktima na duguan sa likod na bahagi ng pampasadang jeep na may plakang NVD- 870 dakong alas-2:45 ng madaling araw kahapon sa R-10 sa Tondo.
Posibleng nagpapahinga na ang biktima nang burdahan ng saksak ng hindi pa kilalang salarin.
- Latest