^

Metro

5,000 pulis ikakalat sa Black Nazarene feast --NCRPO

Joy Cantos at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Limanglibong pulis ang ipapakalat ng National Ca-pital Region Police Office (NCRPO) para sa pista ng Itim na Nazareno sa dara-ting na Sabado (Enero 9) ng taong ito.

Ayon kay NCRPO Chief P/Director Joel Pagdilao, ito’y upang matiyak ang seguridad ng mga deboto sa nasabing okasyon.

Ayon kay Pagdilao, nasa 4,000 ang idedeploy ng Manila Police District (MPD) at bukod dito ay may karag­dagan pang mga Special Weapons and Tactics (SWAT) team, Intelligence operatives o mga detectives, medical team at mga miyembro ng Explosive Ordnance Division kaya aabot sa 5,000 ang kabuuang bilang ng ipakakalat na mga pulis.

Sinabi ni Pagdilao mula sa prusisyon sa Quirino grandstand sa lungsod ng Maynila kung saan magsisimula ang traslacion pabalik sa Basilica Minore ng Quiapo Church ay bantay sarado ito sa kapulisan.

Binigyang diin ni Pagdilao na dalawang araw bago ang kapistahan ng Itim na Nazareno ay ka­ilangang malinis na ang anumang sa­gabal tulad ng mga sasak­yang nakaparada at stall sa daraanan ng prusisyon.

Samantalang iginiit pa ng opisyal na patuloy ang monitoring ng intelligence community sa ‘threat assessment ‘ o banta sa seguridad lalo’t inaasahan na daragsain ng milyong katao ang prusisyon ng Black Nazarene.

Kaugnay nito, nagsaga­wa rin ng inspection ang NCRPO sa ruta ng traslacion bilang bahagi ng pag­diriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno kahapon.

ACIRC

ANG

AYON

BASILICA MINORE

BLACK NAZARENE

CHIEF P

DIRECTOR JOEL PAGDILAO

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

ITIM

NAZARENO

PAGDILAO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with