^

Metro

Seguridad sa Black Nazarene tiniyak ng MPD

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa inaasahang pagdagsa ng  milyun-milyong deboto sa kapistahan ng  Itim na  Nazareno sa Enero 9,  tiniyak naman ng Manila Police District ang seguridad nito kung saan puspusan ngayon ang ginagawa nilang  paghahanda

Sinabi  ni MPD Operations and Plans Division chief Lucile Faycho, bumuo na ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng Task Force Nazareno para sa pinakakaabangang pagtitipon.

Magiging katuwang ng  MPD ang Philippine Army, Department of Health, Philippine Red Cross (PRC), at Bureau of Fire Protection (BFP) sa pagmamantine ng kaayusan sa paligid ng Quiapo Church sa panahon ng Traslacion o prusisyon.

Tulad ng nakaugalian, nakalatag na rin ang ruta ng Traslacion at inaasahang isasara ang ilang kalsada para sa pista, kabilang ang magkabilang lane ng Roxas Boulevard at Quezon Boulevard, gayundin ang Palanca at Dasmariñas streets, at Quezon, McArthur at Jones bridges.

Kasabay nito,nananawagan naman ang MPD sa mga matatanda at mga may sakit na huwag nang sumama sa prusisyon upang makaiwas sa disgrasya,gayundin ang mga bata.

Pinayuhan din ang mga deboto na huwag nang magsuot ng mga alahas at huwag na ring magdala ng maraming gamit upang hindi mabiktima ng mga kawatan, na inaasahang magsasamantala sa okasyon. Mas makabubuti rin na magbaon ng  maraming  tubig at pagkain  upang  panlaban sa uhaw at gutom.

ANG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DEPARTMENT OF HEALTH

LUCILE FAYCHO

MANILA POLICE DISTRICT

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NBSP

OPERATIONS AND PLANS DIVISION

PHILIPPINE ARMY

PHILIPPINE RED CROSS

QUEZON BOULEVARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with