^

Metro

Panatilihing malinis ang Luneta Park – Erap

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang siguruhin na malinis ang mga pampublikong parke at pasyalan sa Maynila, magde-deploy ang city government ng 30 street sweepers sa Luneta Park kung saan 600 sakong basura ang nalikom noong nakaraang Pasko.

Sa kanyang direktiba, iniutos ni Mayor Joseph Estrada kay Arsenio Lacson, Jr., hepe ng Parks Development Office, na ayusin at pagandahin ang Rajah Sulaiman Park sa Roxas Blvd. na siyang pagdarausan ng “Sulong Manila!”, ang New Year countdown na pangungunahan ng pamahalaang lungsod.

Bumuo ang city engineering­ office ng Task Force Clean Up para magde-deploy ng mga street sweepers sa mga parke upang siguruhin na magiging malinis ang pasyalan at agad na mahahakot ang mga basura na maaaring maiwan ng mga bumisita dito kinagabihan.

Tutulong ang task force sa pamunuan ng Luneta Park upang linisin at mapaganda ang tinaguriang pambansang pasyalan na inaasahang dadayuhin ng libu-libong tao at magiging tagpuan ng pagsama-sama ng mga pamilya.

Bukod dito ay magpapa­dala rin ang city government ng mga sanitation personnel sa mga iba’t ibang plaza at pami­lihan gaya ng Quiapo, Divisoria at Blumentritt.

Naka-full alert na rin ang 3,100 puwersa ng Manila Police District upang siguruhin ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan ng May­nila kasabay ng kabi-kabilang pagdiriwang ng pagtatapos ng 2015.

Ayon kay Supt. Marissa Bruno, magpapakalat sila ng pulis sa mga lugar na may ma­bigat na konsentras­yon ng mga tao, gaya ng Lu­neta at Rajah Sulaiman Park, at magpapatupad din sila ng mga traffic­ rerouting schemes. 

 

ACIRC

ANG

ARSENIO LACSON

LUNETA PARK

MANILA POLICE DISTRICT

MARISSA BRUNO

MAYOR JOSEPH ESTRADA

MGA

NEW YEAR

RAJAH SULAIMAN PARK

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with