^

Metro

9 na pumugang preso sa MPD na-trap sa bakod, balik-selda

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naudlot ang pangarap na makapagdiwang ng Bagong Taon sa labas ng detention cell ang siyam na detainees ng Manila Police District-station 2 nang maalarma ang mga nakatalagang miyembro at habulin sila at muling naaresto sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nabatid na bago pa mag-alas-4:00 ng madaling araw nang magkaroon ng komosyon sa likod na bahagi ng Moriones Police Station na nadiskubreng may apat na preso ang nagtatangkang tumalon sa pader sa likod ng presinto.

Doon na nakita ng mga pulis na butas na ang pinaglalagyan ng exhaust fan at nalagari na ang grill na nasa bandang likod ng kulungan, na pinagdaanan ng mga pumuga.

Nakatakbo na ang 5 sa siyam habang ang apat ay na-trap umano dahil nabuking sila ng mga pulis.

Agad namang ipinatawag ni P/Supt. Nicolas Pinon ang mga operatiba ng presinto na nagtulong-tulong na habulin ang mga tumakas na naabutan pa ang iba sa kanilang lugar. Nadakip ding lahat ang 5 nakatakas dahil alam ng mga operatiba kung saan ang takbo nito at mga kabahayan nila.

Kabilang umano sa mga preso ang may kinakaharap na kasong illegal possession of firearm.

Sa inisyal na impormasyon, lagareng bakal ang ginamit sa nasabing pagtakas.

Hinihinalang ang mga da­law ng preso ang nagsuplay ng lagare partikular ang mga asawa, nobya o kaibigang babae na hindi masyadong nakakapkapan sa pagdalaw nitong nakalipas na Pasko.

Posible umanong naghintay ng magandang pagkakataon ang mga preso na tahimik ang paligid at walang gaanong taong nakakalat sa kalye upang hindi mapansin ang kanilang pagtakas.

ACIRC

ANG

BAGONG TAON

HINIHINALANG

KABILANG

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

MGA

MORIONES POLICE STATION

NABATID

NICOLAS PINON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with