Electrician sugatan sa stray bullet
MANILA, Philippines – Sugatan ang isang 50- anyos na electrician nang tamaan ng ligaw na bala sa binti habang nanonood ng mga batang nagpapaputok sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Ernesto Masquite, ng Oreste Alvarez Ext. Tondo, Maynila.
Inaalam pa kung sino ang responsable sa pagpapaputok upang masampahan ng kaukulang reklamo.
Sa ulat ni SP03 Paul Vicente, ng Manila Police District-station 2, naganap ang insidente. Dakong alas-11:00 ng gabi sa Ipil St. Tondo, Maynila.
Nakatayo lamang ang biktima sa kalye at nalilibang sa mga batang nagpapaputok nang biglang matumba at nakitang umaagos na ang dugo sa binti.
Sinaklolohan ng mga residente ang nasabing biktima at isinugod sa pagamutan.
- Latest