^

Metro

Amo kinatay ng sinibak na driver

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang retiradong opisyal ng Manila Police District (MPD) nang pagsasaksakin ng ilang beses sa leeg at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng  umano’y dating driver nito, sa loob ng kanyang bahay sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang biktimang si  P/Supt. Cipriano Herrera, 77, residente ng no. 2015 Severino Reyes St., Sta. Cruz, Maynila na nalagutan ng hininga sa Metropolitan Medical Center.

Itinuturo namang suspek ang  sinibak nitong driver na si Allan Liwanag, 40, may-asawa. Tinangay din umano  ni  Liwanag ang kulay itim na Ford Escort  ng biktima na may plakang ACA 1295.

Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran kay Manila Police District-Homicide Section chief, Senior Insp. Rommel Anicete, ang biktima na dating naging  hepe ng Manila Police District (MPD) bilang station 3 commander ay nagtamo ng maraming saksak sa katawan.

Naganap ang  insidente dakong alas 3:55 ng madaling-araw sa kusina ng bahay ng biktima. Sa fire exit dumaan papasok  ang  suspek at sa hindi inaasahan ay  gising na rin ang biktima para magkape.

Nabatid na sinibak ng  biktima ang suspek bilang driver dahil napapabayaan na ang trabaho at obligasyon nito sa kaniya.

Posibleng sa sama ng  loob ay isinagawa ng  suspek ang  pamamaslang.

Batay sa mga nakalap na impormasyon ng pulisya sa mga kapitbahay, walang kaaway ang matandang pulis maliban sa nakikita nilang pinagagalitan at madalas murahin ang da­ting driver (suspek) dahil hindi nagagampanan ang kaniyang trabaho.

Patuloy pang tinutugis ang suspek at inalarma na rin sa PNP-Highway Patrol Group (HPG) ang sasak­yang tinangay.

ACIRC

ALLAN LIWANAG

ANG

CHARLES JOHN DURAN

CIPRIANO HERRERA

CRUZ

FORD ESCORT

HIGHWAY PATROL GROUP

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with