^

Metro

10 bus na sabit sa aksidente sinuspinde

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinuspinde kahapon ng 30 araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang operasyon ng 10 unit ng provincial bus na nasabit sa aksidente sa lalawigan ng Quezon noong December 21.

Ang 10 provincial buses ay kasama ng isang bus na may plakang TYM-583 na nasa ilalim ng franchise number 2007-694 na nasangkot sa isang aksidente sa may Qui­rino highway, Barangay San Vicente, Tagkawayan, Quezon na matinding nasugatan ang 50 pasahero nito sa naturang aksidente.

Kaugnay nito, inatasan na ng LTFRB ang bus owner na si Eduardo Palma na isurender ang plaka ng 10 sasakyan sa ahensiya at  ipabusisi sa Motor Vehicle Inspection Section ng LTO ang mga sasakyan para madetermina ang road worthiness ng mga sasakyan.

Inutos din ng LTFRB board na ipa-drug test ang lahat ng driver at conductor ng naturang mga sasakyan gayundin ay magsumite ang mga driver ng 10 sasakyan ng Police clea­rance, NBI clearance, barangay clearance.

Pinasasailalim din ng ahensiya sa road safety seminar ang mga driver nito.

Itinakda ng LTFRB na isa­ilalim sa pagdinig ng board ang kasong ito sa January 13, 2016.

ACIRC

ANG

BARANGAY SAN VICENTE

EDUARDO PALMA

INUTOS

ITINAKDA

KAUGNAY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

MOTOR VEHICLE INSPECTION

PINASASAILALIM

QUEZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with