Sekyu kinatay
MANILA, Philippines - Todas ang isang security guard makaraang dalawang beses na saksakin ng nag-iisang salarin sa hindi pa mabatid na dahilan, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.
Nagtamo ng dalawang tama ng saksak sa katawan ang nasawing si Cesar Vinas, 32, ng Block 39 Lot 1 Phase 2 F1 Brgy. 12, ng naturang lungsod. Inisyal namang nakilala ang suspek sa alyas na Willie.
Sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-3 ng madaling araw sa may Tupda, Julian Felipe St., Brgy. 8, ng naturang lungsod.
Sa imbestigasyon, nadiskubre na lamang ng mga residente ang duguang biktima sa naturang lugar sanhi upang isugod ito sa Tondo General Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay. Blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.
- Latest