^

Metro

Kelot utas sa pamamaril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang hindi pa kilalang la­laki ang natagpuang walang buhay at may tama ng bala sa ulo sa ibabaw ng tulay ng Pandacan, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima sa edad 25-30, 5’2 ang taas, katamtaman ang panganga­tawan, may tattoo na “RMG” sa kanang kamay.

Wala pang natukoy na suspek sa pamamaril dahil natagpuan lamang na nakahandusay at naliligo sa sari­ling dugo ang biktima.

Nabatid na inireport lamang ng isang concerned citizen sa Manila Police District-station 9, ang insidente ng pamamaril at nang tungu­hin ang lugar ay naabutang wala ng buhay ang nasabing lalaki.

Hindi nakakuha ng anu­mang impormasyon hinggil­ sa pangyayari at wala din umanong nakalatag na closed-circuit television (CCTV) sa lugar.

Patuloy ang isinasaga­wang imbestigasyon hinggil sa insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

INILARAWAN

ISANG

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NABATID

PANDACAN

PATULOY

SHY

WALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with