^

Metro

Pang-13 sa survey Isko pursigido sa laban

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng resulta ng latest Pulse Asia survey, tiniyak ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na pag-iibayu­hin pa niya ang kanyang laban sa pagkasenador lalo pa’t baguhan lamang siya sa national election kumpara  sa mga makakalaban niyang mga re-electionist at datihan na.

Si Moreno na nasa ika-13 puwesto ng latest Pulse Asia Survey (Nov.8-15) na  dating nasa17-22 noong Setyembre ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga nagpapakita ng  tiwala  sa kanyang kakayahan kahit na bagito lamang siya sa senatorial race.

“Malaking karangalan po sa isang katulad ko na hindi galing sa isang sikat o kilalang pamilya na mapasama sa tinatawag nilang winning circle pero malayo pa po ang byahe at kahit masikip ang daan, ako ay patuloy na naniniwala na darating ang panahon na mabibigyan din ng pagkakataon ang mga ka-tulad ko na makapag lingkod sa ating bayan,” ani Moreno.

Ayon kay Moreno, na National President  ng Vice Mayors League of the Phi-lippines na pinag-aaralan pa rin niya ang mga sistema at pasikut-sikot sa  national campaign lalo pa’t nakikita niya ang suporta at tiwala   ng publiko sa mga lalawi­gang kanyang binibisita.

Sa kanyang  18 taong karanasan sa local legislation dahil sa pagiging Konsehal at Bise Alkalde, naniniwala si Moreno na mataas pa siya sa survey kung  kilala siya ng publiko sa kanyang  pangalang Domagoso. Francisco Domagoso ang tunay na pangalan ni Moreno.

Bagama’t aminado si  Mo­reno na posibleng  buma­ba ang kanyang rating sa sandaling gamitin niya ang Domagoso, ikinatuwa naman nito ang pagtaas ng kanyang satisfaction rating na 30.4% na sapat upang makuha niya ang 13th place.

Dahil dito, sinabi ni Mo­reno na kailangan pa rin niyang magpurisgi sa mga susunod na buwan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BISE ALKALDE

DOMAGOSO

FRANCISCO DOMAGOSO

KANYANG

MGA

MORENO

NATIONAL PRESIDENT

NBSP

PULSE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with