^

Metro

Magdyowa, itinumba sa droga

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kapwa nasawi ang maglive-in partner nang pagba­barilin ng hindi pa kilalang mga salarin sa loob ng kanilang bahay sa Gate 84, Parola compound Binondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Annalyn Avecilla, alyas Baby Liit, 20, at kinakasama nitong si Ricky Velasco, 23, vendor, kapwa residente ng Gate 64, Parola Compound, Binondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:00 ng hapon nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga kapitbahay ng mga biktima na nagmumula umano sa loob ng barung-barong ng mga ito.

Nang alamin ng mga kaanak at kapitbahay ay nadat­nan nilang kapwa naliligo sa sariling dugo ang tadtad ng bala ang mga katawan ng dalawang biktima sa loob ng bahay.

Sinabi naman ng ina ni Avecilla na si Aling Ade­laida, alam niyang drug user ang anak at dati rin umano itong nagtutulak ng iligal na droga.

Bago ang insidente, ilang tao na hindi umano tagaroon ang pabalik-balik sa lugar at pinupuntirya ang barung-barong ng mga biktima.

Hinala ng ilang residente na may kaugnayan sa iligal na droga ang pamamaslang.

Ayon kay MPD Homicide chief, Senior Insp. Rommel Anicete, wala pa silang nakuhang impormasyon  sa pagkakakilanlan sa mga suspek at patuloy pa itong iniimbestigahan.

vuukle comment

ACIRC

ALING ADE

ALONZO LAYUGAN

ANG

ANNALYN AVECILLA

BABY LIIT

BINONDO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MGA

PAROLA COMPOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with