^

Metro

Mag-asawa sugatan sa sunog

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kapwa sugatan ang mag-asawa nang masunog ang kanilang bahay dahil sa nag-over-heat na wall fan kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Parehong nagtamo ng mga sugat at pasa sa mga braso at hita ang mag-asawang biktima na sina Christopher Jose, 32 at Joy Kahulungan, 27, residente ng DM Compound, Brgy. 73, Heroes del 96 ng nasabing lungsod.

Ginagamot naman sa Manila Central University (MCU) Hospital ang magkamag-anak na sina Darwin 34 at Daniel Paza, 22, naninirahan din sa naturang lugar na kap­wa  nahulog at nakuryente dahil sa pagtulong ng mga ito na maapula ang apoy.

Sa imbestigasyon ni FO3 Randal Angeles, ng Caloocan City Fire Protection Department, alas-12:44 ng mada-ling araw nang magsimulang masunog ang bahay ng mag-asawang Kahulungan, na matatagpuan sa apat na palapag,  na pag-aari nina Tomas at Rebecca del Mundo.

Kasalukuyang mahimbing na natutulog ang mag-asawa nang mapansin nila na biglang nagliyab ang kanilang wall fan. Dahil dito, agad na pinagtulungang apulain ng mga ito ang apoy ngunit mabilis itong kumalat .

Samantala, habang tumutulong naman ang magkamag-anak na Paza sa pag-apula ng apoy, aksidenteng nakuryente ang mga ito sa wire na nakapatong sa bubong ng tinuntu-ngan nilang bahay.

Dahil dito, kapwa nahulog mula sa bubong ang dalawa na agad namang isinugod sa nabanggit na pagamutan at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa ring ginagamot ang mga ito. Ala-1:20 kahapon ng madaling araw tuluyang naapula ang apoy.

ACIRC

ANG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY FIRE PROTECTION DEPARTMENT

CHRISTOPHER JOSE

DAHIL

DANIEL PAZA

JOY KAHULUNGAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

NBSP

RANDAL ANGELES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with