^

Metro

Gitgitan sa trapik: Driver binoga, todas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Todas ang isang driver matapos na malapitang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng isang Toyota Innova na kanyang nakagitgitan sa kalsada sa Pasig City,  kahapon ng tanghali.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa pagamutan ay kinilalang si Richard Tuazon, driver ng World Class Liminated Inc. na may tanggapan sa Brgy. Maybunga, Pasig City.

Sa ulat ng pulisya, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-11:50 ng tanghali sa itaas ng Rosario Bridge sa Brgy. Rosario, Pasig City.

Sinasabing nagkagitgitan ang minamanehong Mitsubishi L-300 van (URG-714) ng biktima at Toyota Innova (APA 9824) na minamaneho naman ng hindi pa kilalang suspek.

Dahil sa gitgitan ay nagkaroon ng sagutan ang dalawa hanggang bumunot ng baril ang suspek saka binaril sa ulo ang biktima at mabilis na tumakas.

Ayon kay Sr. Supt. Jose Hidalgo Jr., hepe ng Pasig police, nakikipag-ugnayan na sila sa Land Transportation Office (LTO) upang mabatid kung sino ang may ari ng kulay itim na Toyota Innova. 

Pinasisiyasat na rin ni Hidalgo kung nakuhanan ng CCTV ang suspek para mabilis itong matukoy at maaresto.

vuukle comment

ANG

BRGY

JOSE HIDALGO JR.

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MITSUBISHI L

NBSP

PASIG CITY

RICHARD TUAZON

ROSARIO BRIDGE

TOYOTA INNOVA

WORLD CLASS LIMINATED INC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with