^

Metro

Traffic enforcer, itinumba ng tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Utas ang isang tauhan ng Department of Public Safety and Traffic Management Office­ (DPSTM) ng Ca­loocan City Hall, habang da­lawa pa ang sugatan nang paulanan sila ng bala ng riding­ in tandem kamakalawa sa nabanggit na lungsod.

Hindi na umabot ng buhay sa Dr. Jose Rodriguez Memorial Hospital ang 61- anyos na si Joselito Valencia, ng Block 4 Lot 10 Brgy. 176 Bagong Silang, ng na­turang lungsod. Nakaratay naman sa naturang paga­mutan sina Gunder Reyno, 51, at Ricardo Gatmaitan, 67, kapwa kasamahang traffic enforcer ng nasawi.

Agad namang nakatakas ang dalawang salarin na kapwa nakasuot ng itim na jacket, crash helmet at sakay ng walang plakang itim na Yamaha Mio scooter.

Sa ulat ng pulisya, nagkukuwentuhan sa tapat ng DPSTM Office sa tabi ng Tala Cemetery ang tatlong biktima dakong alas-10:25 ng umaga nang huminto sa tapat nila ang mga salarin at agad silang pinaulanan ng bala.

Tinamaan si Valencia sa dibdib ng dalawang bala habang sa kanang hita si Reyno at sa sikmura si Gatmaitan.

Narekober ng mga tauhan ng Northern Police District-Crime Laboratory Office ang tatlong cartridge at isang bala ng kalibre .45 sa lugar ng krimen.

Patuloy ngayon ang masusing imbestigasyon at follow-up operations ng pulisya sa insidente.

ACIRC

ANG

BAGONG SILANG

CITY HALL

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY AND TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

DR. JOSE RODRIGUEZ MEMORIAL HOSPITAL

GUNDER REYNO

JOSELITO VALENCIA

NORTHERN POLICE DISTRICT-CRIME LABORATORY OFFICE

RICARDO GATMAITAN

TALA CEMETERY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with