^

Metro

Pasig fire: Mag-asawa patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang mag-asawa ang nasawi nang makulong sa nasusunog nilang tahanan sa Brgy. Sumilang, Pasig City,  kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Boy at Lourdes Santos, kapwa 68-anyos, at residente ng Rodriguez compound Dakila St., Brgy. Sumilang, Pasig City.

Sa ulat ng Pasig City Fire Department, dakong ala-1:05 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa tahanan ng mag-asawa.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-2:46 ng madaling araw.

Sinasabing posibleng naiwanang nakasinding kandila sa kuwarto ng pamangkin ng mag-asawa ang pinagmulan ng sunog  dahil ilang araw na umanong walang kuryente sa tahanan.

Sa isinagawang mopping operation, natagpuan ang bangkay ng mag-asawa na magkayakap at kapwa wala ng buhay.

Ayon kay Fire Officer Jose Pura, may kapansanan si Lourdes kaya’t tinulungan ito ng kanyang asawa ngunit pareho na silang hindi nakalabas ng tahanan.

Iimbestigahan naman ng mga awtoridad ang pamangkin ng mga biktima na si Jonjon Baroa, upang matukoy kung sinadya ang sunog, matapos makatanggap ng ulat na nasa impluwensiya ito ng droga nang maganap ang insidente.

vuukle comment

ANG

AYON

BRGY

DAKILA ST.

FIRE OFFICER JOSE PURA

IIMBESTIGAHAN

JONJON BAROA

LOURDES SANTOS

PASIG CITY

PASIG CITY FIRE DEPARTMENT

SUMILANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with