^

Metro

Negosyante, absuwelto sa carnapping

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng  Manila Trial Court ang kaso car­napping laban sa isang negosyante na dinakip noong Oktubre 2012.

Batay sa  desisyon ni  Manila RTC Judge Ma. Paz Reyes Yson ng branch 54, sinabi nito na inabsuwelto sa kaso si Gil Emerenciana y Ibardolaza dahil na rin sa kawalan ng  sapat na ebidensiya.

Hindi umano napatunayan ng  prosecution na nagkaroon ng carnapping dahil kabilang dito ang pagkuha ng sapilitan ng sasakyan sa tunay na may-ari, paggamit ng  karahasan at ang  pagnanais na  makuha ang pakay.

Nabatid na tanging ang testimonya lamang ni PO2 Javier Pederio ang naging basehan ng prose­cution at hindi man lamang humarap sa hukuman ang registered owner nito na si Ma. Elena Te at ang private complainant na si Donald Esterban Jr.

Binigyan diin pa ng korte na nabigo ang prose­cution na patunayan ang ‘quantum of proof’ para ma-convict si Emerenciana

Nakasaad sa record na kinarnap umano ni Eme­ren­ciana ang sasakyan ni Esterban noong Oktubre 21, 2012 na Isuzu Crosswind High Lander na may palkang XDE 377. Naka-alarma umano ito kung kaya’t namang mamataan ito sa Sta. Mesa Maynila noong Mayo 24, 2013 ay agad na sinita ito ng mga pulis kabilang na si Pederio.

Una nang kinuwestiyon ni Atty. Jose Icaonapo, Jr. at  legal counsel ni Emerenciana sa pagdinig ng kaso, ang mga iprinisintang  documentary evidence ni  Pederio kabilang na ang  sworn statement ni Esterban na hindi naman  sumipot sa alinmang pagdinig.

Si Icaonapo ay dating IBP Governor for Greater Manila Region at pangulo ng Philippine Trial Lawyers Association (PTLA).

ACIRC

ANG

DONALD ESTERBAN JR.

ELENA TE

EMERENCIANA

ESTERBAN

GIL EMERENCIANA

GREATER MANILA REGION

ISUZU CROSSWIND HIGH LANDER

JAVIER PEDERIO

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with