Sinibak sa trabaho, seaman nagbigti
MANILA, Philippines – Tila dinamdam ng isang seaman ng isang international shipping lines ang pagkakatanggal o pagpapabalik sa kanya sa Pilipinas nang magbigti ito kamakalawa ng hapon sa Maynila.
Kinilala ang biktimang si John Gregg Elejan, 31, binata, oiler crew at tubong Guimaras, Iloilo City at pansamantalang nanuluyan sa Status maritime Corporation na matatagpuan sa no.1802 San Marcelino, panulukan ng J. Nakpil St., Malate, Maynila.
Sa ulat ni P03 Alonzo Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, alas-3:10 ng hapon ng (Dis. 5) nang madiskubre na nakabigti sa water hose na kulay green sa ilalim ng fire exit ng gusali ng Status Maritime Corporation ang biktima.
Sinabi ng maritime cadet na si Rex Barcebal, 24 at Michael Bugna, security guard ng building, na nagulat sila nang makitang nakabitin ang biktima kaya pinagtulu-ngang alisin at isinaila-lim sa cardio pulmonary resuscitation (CPR).
Nagkaroon umano ito ng mahinang pulso kaya isinugod sa Philippine General Hospital (PGH) idineklarang dead-on-arrival alas 3:45 ng hapon.
Batay naman sa dokumentong nakuha kaugnay sa biktima, siya ay sinibak sa pagiging oiler ng barko dahil sa pagkakaroon ng “bad beha-vior, bad performance, not following instruc-tions at negligence of duties and responsibilities tulad ng pag-abandona sa engine room ng walang inabisuhang crew at ang pagsasalita umano nito na may papatayin siya.
Nakasaad din sa nilagdaang dokumento ni Capt. Ricardo Acedo na dahil sa mga paglabag at mga warning laban sa biktima ay uuwi ito sa bansa kahit hindi pa tapos ang kontrata at siya mismo ang babalikat ng gastusin dahil sa hindi natapos na kontrata.
Sinabi pa umano ng biktima na hindi na siya makapag-concentrate sa trabaho.
“Hindi lang yung pag-kaka-repatriate ang dahilan kung bakit siya nagbigti, ayon sa agency kasi balisa siya tapos yung ikinikilos niya na kakaiba at nagsasalita pa raw na may papatayin siya habang nasa barko kaya ipina-deport na lang. Kadarating lang niya mismo at nag-stay lang sandali sa agency nang magbigti siya,” ani PO3 Layugan.
- Latest