^

Metro

Matinding trapik, balik sa EDSA

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagmistulang malaking paradahan ang kahabaan ng EDSA dahil sa sobrang trapik kahapon.

Sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, Pasay City hanggang patungong Quezon City matinding trapik ang naranasan ng mga motoristang bumabagtas sa kahabaan ng EDSA.

Halos walang galawan ang mga sasakyan, kung kaya’t nagmistulang malaking paradahan ang kahabaan ng EDSA mula Pasay City patungong Quezon City.

Nabatid na hindi lamang sa EDSA matrapik, apektado rin ng masikip na daloy ng trapiko ang ilang bahagi ng Roxas Boule­vard, patu­ngong Maynila, Magal­lanes, McKinley Road sa Makati City, patungong Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig City.

Apektado rin  ang South­bound partikular ang kahabaan ng EDSA pagitan ng Aurora Boulevard at P. Tuazon Street (service road), 1st lane mula sidewalk.

Gayundin ang  Northbound, kahabaan ng EDSA pagitan ng New York Street at K-10 Street, 2ndlane mula sidewalk.

Ayon sa MMDA, isa sa sanhi ng matinding trapik na nararanasan ng mga motorista  sa ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila ay dahil sa pinatutupad na road re-blocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Idagdag pa rito ang ma­taas na volume ng mga sasakyan na bumabagtas sa EDSA.

Kung kaya’t para sa mga motorista at commuters mistulang kalbaryo ang kanilang naranasan dahil sa tindi ng trapik sa Kalakhang Maynila.

ACIRC

ANG

AURORA BOULEVARD

BONIFACIO GLOBAL CITY

CITY

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

EDSA

KALAKHANG MAYNILA

NBSP

PASAY CITY

QUEZON CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with