^

Metro

Operasyon ng Uber at Grabcar, pinahinto ng korte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ipinahinto kahapon ng Quezon City court ang department order ng Department of Transportation and Communication (DOTC) at memorandum order ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mabigyan ng permit ang aplikasyon ng Grabcar at Uber Taxi na makapag-ope­rate sa loob ng 20 araw .

Ito ay makaraang magpalabas ng temporary res­training order (TRO) si QC- RTC branch 217 Judge Santiago Arenas hinggil sa petisyon ng transport group na Stop and Go Transport Coalition.

Sa ilalim ng petisyon, hiniling ni Magno na magpalabas ang korte ng TRO upang ipatigil ang implementasyon ng department order ng  DOTC  2015-011 na nagbigay ng provisional authority sa mga Transportation Network Company (TNC) o mga  sasakyan na namamasada sa pamama­gitan ng on-line applications gamit ang internet.

Sa ilalim ng order ni Judge Arenas, inutos nitong itigil muna ng LTFRB ang pagtanggap, pag-proseso at pag-apruba ng lahat ng TNCs hanggat hindi nare­resolba ang isyu.

 “Kasi unang una, humihingi kami ng tulong ng DOTC at LTFRB at naninikluhod na maaksiyunan ang aming request na ma-extend ang aming franchise, pero anung ginawa ng gobyerno, dalawang taon kaming naghihintay tapos ngayon nagbigay ang DOTC at LTFRB ng pahintulot na makapasada ang Uber at Grabcar eh wala namang franchise ang mga yan eh! Anu ba ang serbisyo ng gobyerno nito sa amin,di ba parang may tinitingnan at pinapanigan? Kaming maliliit na operator at drivers ayaw pakinggan pero ang mayayaman na operator ng Uber at Grabcar napagbigyan na pumasada? Yan ang bahagi ng sentimiento namin sa korte” , pahayag ni Jun Magno,Pangulo ng Stop and GO Transport Coalition.

Itinakda ng korte ang preliminary injunction sa December  8, 2015 ng alas- 8:30 ng umaga.

Kasabay nito, sinabi naman ni Atty Ariel Inton, boardmember ng LTFRB na nirerespeto ng ahensiya ang utos ng korte hinggil dito.

Sa ngayon ay may 7,000  Uber taxi na ang tuma­takbo at may 11,000 pri­vate cars ang nagsipag-aplay para dito. Ang Grabcar na­man ay mga dati ng taxi units na may franchise  na sumailalim sa on line applications para makakuha ng pasahero sa pamamagitan ng internet.

ACIRC

ANG

ANG GRABCAR

ATTY ARIEL INTON

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

GRABCAR

JUDGE ARENAS

JUDGE SANTIAGO ARENAS

JUN MAGNO

NBSP

UBER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with