^

Metro

Plastic waste reduction, ilalarga sa Makati City

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Para makatulong sa ka­likasan at  masolusyunan ang problema sa basura, hinikayat kahapon ni Makati City Acting Mayor Romulo ‘Kid’ Peña Jr. ang mga may-ari ng mga establisimento at residente ng lungsod na makiisa sa operasyon ng plastic waste reduction. Naglahad ang alkalde ng ilang alternatibong pa­raan para ma­iwasan ang paggamit ng plastic wares at turuan ang mga re­si­dente para kumita sa waste segregation na recyclable materials.

Ayon kay Peña pu­ma­­­ngatlo ang lungsod sa may pinakamaraming plas­­­tic waste na nakukulekta base sa resulta na isinagawa ng 2014 Makati Waste Analysis and Cha­racterization Study o WACS.

Pinasalamatan ni Peña ang isinasagawang random inspection sa dalawang distrito ng lungsod kada buwan sa mahigit 1,000 establishments  ng mga personnel ng Plastic Monitoring Task Force sa pakikipagtulungan ng DES, Business Permits Office, Makati Health Department, Makati Action Center, Economic Enterprise Management Office at deputized enforcers mula sa mga barangays sa ilalim ng Liga ng mga Barangay. 

Sa ilalim ng Executive Order No. 007, s. 2012, lahat ng supermarkets, shop­ping malls, department stores, restaurants, at can­teens, ipinagbabawal ang pagbebenta, paggamit at pag-distribute ng plastic bags na karaniwang gamit na primary at secondary packaging materials sa kanilang dry at wet goods.

ACIRC

ANG

ATILDE

BUSINESS PERMITS OFFICE

ECONOMIC ENTERPRISE MANAGEMENT OFFICE

EXECUTIVE ORDER NO

MAKATI ACTION CENTER

MAKATI CITY ACTING MAYOR ROMULO

MAKATI HEALTH DEPARTMENT

MAKATI WASTE ANALYSIS AND CHA

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with