Traffic enforcer kulong sa pambubugbog
MANILA, Philippines – Arestado ang isang 27- anyos na traffic enforcer makaraang akusahan na nambugbog sa isang motorcycle rider sa isang alterkasyon sa trapiko, Huwebes ng gabi sa Valenzuela City.
Sinampahan ng kasong physical injuries si Mark Magdael, miyembro ng Traffic Management Unit ng Valenzuela City at residente ng Bonbon St., Brgy. Ugong.
Inireklamo ito ni Felimon Herrera Jr., 38, na nakaratay ngayon sa East Avenue Medical Center dahil sa ti-namong mga pinsala.
Sa ulat, kapwa binabagtas ni Magdael lulan ng kanyang SYM scooter at ni Herrera sakay naman ng kanyang motorsiklo (TS 7600) ang Que Grande Street dakong alas- 11:30 ng gabi.
Sinusundan ng biktima si Magdael nang biglang huminto ito sa kanto ng Lamesa Street sanhi upang tumama ang motor ng biktima sa likuran ng scooter ng suspek nang huling makapagpreno.
Tinangka naman umanong humingi ng dispensa ng biktima kay Magdael ngunit agad na siyang ginulpi nito.
- Latest