^

Metro

Pader ng 'Bahay ni Erap’ sa Maynila, gagawing ‘vegetable garden’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Gagawing vegetable garden o taniman ng gulay ang ilang bahagi ng pader ng tinaguriang “Bahay ni Erap” o tahanan ni Mayor Erap Estrada sa Mangga Avenue Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay Mayor Estrada, ang vegetable garden na ito ay aalagaan mismo ng mga maralitang residente sa naturang lugar at ang mga maaa­ning gulay ay mapupunta rin sa mga ito upang kanilang makain o maibenta.

Kaugnay nito ay nanawagan si Mayor Estrada sa mayayamang kapitbahay sa Sta. Mesa, at sa iba pang nakaluluwag na pamilya sa lungsod na ipagamit ang ilang bahagi ng bakod o pader ng kanilang mga bahay bilang vegetable garden ng mga maralita.

Ang malalapad na pader na ito aniya na karaniwang nakatiwangwang lang ay puwedeng gawing vertical gardens na mapagtataniman ng mga maralita ng gulay at iba pang food crops na makakain nila at puwede ring maibenta at pagkakitaan.

Inilahad niya na pinala­lawak na rin ang RKG program upang isali na rin dito ang ilang nakatiwangwang na pampubliko at pribadong lugar.

Ang RKG program ay unang inilunsad ni Estrada sa Baseco community playground at sa Andres Bonifacio Elementary school sa Tondo; at sa Sta. Ana Ele­mentary School sa Sta. Ana District, sa pakikipagtulungan ng SM Foundation - Kabalikat sa Kabuhayan at Harbest Agri-business Corporation.

ACIRC

ANA DISTRICT

ANA ELE

ANDRES BONIFACIO ELEMENTARY

ANG

AYON

BASECO

HARBEST AGRI

MANGGA AVENUE STA

MAYOR ERAP ESTRADA

MAYOR ESTRADA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with