^

Metro

Portable showers, portalets sa APEC security forces

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Upang maipatupad ng  24 oras ang mahigpit na seguridad, nagtalaga ang APEC Security Task Force (ASTF) ng mga portable showers at portalets para magamit ng mga pulis, sundalo at iba pang law enforcers na naatasang mangalaga sa security sa idinaraos na Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Metro Manila.

Ayon kay PNP at  ASTF Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor namahagi na ng mga portalets at portable showers ang kanilang mga donors para magamit partikular na ang mga APEC cops at maging ng counterparts ng mga ito sa AFP troops.

Bukod dito, sinabi ni Ma­yor na namahagi rin sila ng mga vaccine, toiletries, mga banig, kumot para magamit ng APEC security contingent.

Ayon sa opisyal sa bangketa na rin natutulog ng pakunti-kunting idlip na halinhinan lamang ang mga pulis para matiyak ang kapayapaan at kaligtasan ng mga head of states at iba pang mga delegado.

Samantala, nagbigay rin ang PNP ng mga karaoke magic sing along sa mga pulis na nagbabantay sa nasa­bing okasyon para pang­libang sa mga ito dahil sa walang uwian na pagbabantay hanggang matapos ang summit.

Kahapon ay nagsagawa naman ng pag-iinspeksyon si PNP Chief Director General Ricardo Marquez  at iba pang matataas na opisyal ng PNP sa mga nakadeploy na pulis sa APEC Summit.

Libu-libong security for­ces sa pangunguna ng PNP at AFP ang nakadeploy sa bisinidad ng 16 hotel na tinutuluyan ng mga delegado, komersyal na distrito kabilang ang Makati City, mga venue ng APEC Summit , isa rito ay ang Philippine International Convention Center  (PICC), Mall of Asia (MOA) sa Pasay City maging ang World Trade Center.

Sa kaniyang pag-iins­peksyon sa APEC cops, inalam ni Marquez kung naibibigay ng maayos ang pagkain ng tropa  at iba pang mga pangangailangan.

Kabilang pa sa binisita ni Marquez ay ang kahabaan ng Roxas Boulevard malapit sa World Trade Center, UN Avenue, Ocampo Street, F.B. Harrison at  Gil Puyat (formerly Buendia) Avenue.

Kaugnay nito, inihayag pa ng opisyal na naging maayos  ang pag-eescort ng mga pulis sa mga delegado at iba pang mga VIPs sa APEC Summit mula sa paliparan hanggang sa mga venue ng okasyon gayundin sa mga billeting area ng mga kinauukulan.

Idinagdag ng opisyal na bagaman may mga rally  na inilunsad ng mga militanteng organisasyon sa dalawang lugar sa Manila ay maayos naman ang mga itong nabuwag ng security forces.

ACIRC

ANG

APEC

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

AYON

CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

GIL PUYAT

MAKATI CITY

MGA

NBSP

WORLD TRADE CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with