^

Metro

Pagkabigti ng lalaking natagpuan, iniimbestigahan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Palaisipan sa mga awtoridad ang pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang nakabigti sa gate ng kanyang  bahay sa  Quezon City kamakalawa.

Dead on arrival sa Quezon City General si Dante Arambulo, binata ng no. 29 J. Ocampo St., Brgy. Marilag, Project 4 sa lungsod.

Ang biktima ay nadiskubre ng isang Cherlye Ortega habang nakabigti sa itaas ng bahagi ng gate ng tinutuluyan nito gamit ang kable ng kuryente.

Sabi ni Ortega, nasa loob siya ng kanilang bahay nang makita niya ang biktima sa kalunos-lunos na kalagayan, dakong alas-5:30 ng hapon.

Agad niyang ipinabatid ang insidente sa mga opisyales ng Barangay na agad namang rumisponde at kinalas sa pagkakabigti ang biktima saka isinugod sa Quezon City General hospital pero idineklara din itong dead on arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa insidente upang mabatid kung may naganap na foul play dito.

vuukle comment

ANG

BRGY

CHERLYE ORTEGA

DANTE ARAMBULO

MARILAG

OCAMPO ST.

ORTEGA

PALAISIPAN

PATULOY

QUEZON CITY

QUEZON CITY GENERAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with