^

Metro

48-anyos na dalaga, nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 48- anyos na dalaga ang nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbigti sa sarili sa loob ng kanilang tinutuluyan sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO2 Julius Balbuena, nakilala ang nasawi na si Susana Nava, na nadiskubre lamang ng isang residente habang nakabigti sa loob ng kanyang bahay sa NPC Mindez St., Brgy. Baesa sa lungsod, alas-6 ng gabi.

Ayon kay PO2 Balbuena, napadaan umano si Mabelyn Herbito sa bahay ng biktima at dahil nakabukas ang pintuan nito ay nagpasya siyang silipin ang loob kung saan niya nakita ang biktima na nakabigti sa kisame gamit ang black and white long sleeves na ipina­lupot niya sa kanyang leeg.

Agad na humingi ng tulong si Herbito sa mga kapitbahay at pinagtulungan nilang kalasin buhat sa pagkakabigti ang biktima saka itinawag ang insi­dente sa barangay na siya namang tumawag ng awtoridad para sa imbestigasyon.

Wala namang nakitang anu­mang sugat sa katawan ng biktima. Hindi naman malinaw kung ano ang posibleng dahilan sa pagpapakamatay nito.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAESA

BALBUENA

BRGY

HERBITO

JULIUS BALBUENA

MABELYN HERBITO

MINDEZ ST.

SUSANA NAVA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with