^

Metro

Publiko binalaan ng Manila Water vs ‘tirador’ ng metro

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inabisuhan ng pamunuan ng Manila Water, East Zone Water at used water service provider, ang kanilang mga kostumer na ma-ging vigilant laban sa magnanakaw ng metro ng tubig at tampering laluna kung ang kanilang water meters ay malayo sa lokasyon ng inyong mga ba­hay.

Ang paalala ay ginawa ni Manila Water Spokesperson, OIC for Corporate Strategic Affairs Group and Corporate Communications Head Jeric Sevilla makaraang maitala na umabot na sa 139 ang kaso ng stolen meters nitong nakalipas na Enero 2015 hanggang Oktubre 2015.

Hinikayat din nito ang mga customers na e-padlock ang metro ng kanilang tubig para maingatan mula sa mga magnanakaw at nagtatamper ng metro.

Nanawagan din si Sevilla sa mga may-ari ng  junk shops na huwag bibilhin ang mga nakaw na water meters upang hindi mabuyo ang ilan na magnakaw ng metro para pagkaperahan.  Ang pagnanakaw ng water meters ay nasa ilalim ng Anti-Fencing Law na may katapat na kaparusahan.

Pinaalalahanan din ng Manila Waters ang mga re­sidential owners, business establishments at mga opisina na sa representatives la­mang ng kompanya ipa-repair o kumuha ng replacement ng metro na nasira at kailangang kumpunihin.

Ang Manila Water ang nagsusuplay ng malinis na inuming tubig sa eastern portion ng Metro Manila o may 6.3 million custo-mers sa Pasig, Makati, San Juan, Taguig, Pateros, Ma­rikina, Mandaluyong at ilang bahagi ng QC at Maynila at ilang bayan sa lalawigan ng Rizal.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG MANILA WATER

ANTI-FENCING LAW

CORPORATE STRATEGIC AFFAIRS GROUP AND CORPORATE COMMUNICATIONS HEAD JERIC SEVILLA

EAST ZONE WATER

MANILA WATER

MANILA WATER SPOKESPERSON

MANILA WATERS

MGA

WATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with