^

Metro

Fashion designer nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang fashion designer ang natagpuang patay habang nakabigti sa kisa-me sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Talipapa lungsod Quezon, kahapon

Ayon kay PO3 Butch Guerrero ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Group (QCPD-CIDU) nakilala ang nasawi  na si Lo-rence Tan, 32 , ng   Nawasa Road, corner Mindanao Avenue, Brgy. Talipapa sa lungsod.

Sa inisyal na ulat, ang biktima ay nadiskubre ng kanyang kasama sa bahay na si Danny Constantino makaraang puntahan siya nito para gisingin at ayain umanong mag-almusal ganap na alas-8 ng umaga.

Sabi ni Constantino, nag­taka siya nang hindi sumasagot ang biktima sa kabila ng paulit-ulit na pagkatok na kanyang ginawa sa pinto ng kuwarto nito.

Dahil dito, ipinasya na niyang sumilip sa bintana na bahagyang nakabukas kung saan niya nakita ang biktima na nakabigti sa kisame gamit ang nylon cord.

Agad na ipinagbigay alam ni Constantino ang  insidente sa barangay na siya namang tumawag ng otoridad para sa imbestigasyon.

Inaalam pa ng CIDU ang motibo ng pagpapa­kamatay ng biktima. Ha­bang masusing pagsisiyasat pa rin ang isina­sagawa sa insidente.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BRGY

BUTCH GUERRERO

CONSTANTINO

DANNY CONSTANTINO

MINDANAO AVENUE

NAWASA ROAD

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

TALIPAPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with