^

Metro

‘Oplan Galugad’ uli sa NBP

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muling nakakumpiska ng mga kontrabando ang raiding team ng Bureau of Corrections (BuCoR) sa ikatlong pagkakataong pagsasagawa nila ng ‘Oplan Galugad’ sa loob ng New Bilibid Prison sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling-araw.

Kabilang sa sinalakay ay ang brigada nina dating General Carlos Garcia at  ang lider ng carjacking syndicate na si Raymond Dominguez.

Ayon kay BuCor Director Retired Lt. General Rainier Cruz III, alas-4:30 kahapon ng mada­ling araw nang suyurin ng kanyang mga tauhan na nasa 400 ang bilang  ang quadrant 1 at 2,  na  nasa building 1,4,6,7 at 11 sa loob ng Maximum Security Compound ng NBP na kung saan nasa 4,000 inmates ang nakakulong dito.

Kabilang sa sinalakay ng operatiba ay ang brigada ng dalawang “high profile inmates”, na si  Dominguez, na  nakakulong sa quadrant 1 habang si Garcia ay nasa quadrant 2.

Pinalabas muna ang mga bilanggo sa kani-kanilang mga selda kung saan halos pitong oras ang isinagawang operasyon  dito.

Sa  limang building ay nakakulong dito ang mga miyembro ng Batang City Jail, Leyte, Cebu, Mindanao, Batman Gang at frat men mula sa University of the Philippines (UP).

Niransak ng BuCor operatives ang mga cabinet at binakbak ang mga kutson na kung saan nakakuha mula dito  ng mga iba’t-ibang gadgets, patalim at apat na asong shitzu.

Nakuha din ang isang  maliit na refrigerator, electric fan,  air-con, electronic gadgets at iba’t ibang uri ng improvised deadly weapons at wala namang  nakumpiskang baril at shabu.

Nakatakdang maglagay ang pamunuan ng NBP ng mga metal detector at x-ray machine tulad sa airport, na ang layunin ay  hindi na maipasok ang mga kontrabando.

Kabilang din sa mga hakbangin ng BuCor,  ang paglilimita sa  mga dumadaang  pampublikong sasakyan sa palibot na NBP, mas mataas na bakod at mas mahigpit na pagbusisi sa mga materyales na pinapasok sa piitan sa tuwing  may construction sa loob nito.

ACIRC

ANG

BATANG CITY JAIL

BATMAN GANG

BUREAU OF CORRECTIONS

DIRECTOR RETIRED LT

GENERAL CARLOS GARCIA

GENERAL RAINIER CRUZ

KABILANG

MGA

NBSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with