^

Metro

6 tiklo sa pekeng cedula

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Anim katao ang dinakip matapos na mahuli sa pagbebenta ng pekeng ce­dula sa iba’t-ibang  lugar sa Maynila.

Iniharap kay Manila Mayor Joseph Estrada ang mga nahuling sina Fernino Ortega, 29; Aida Bona,60; Celia de Guzman, 54; Dianne Defeo, 28; Jenny David, 30 at Lando Abaygar, 45.

Sa report ni Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr. hepe ng Manila Action and Special Assignment (MASA) ang  mga suspek ay nahuli sa isang entrapment  operations matapos na magreklamo ang isang   Mary Jane Obina na na­kabili ng pekeng  cedula sa  harap ng San Lazaro Hospital sa halagang P50.00.

Giit ni Estrada, mala­king halaga ang nawawala sa city government sa ginagawang ilegal na aktibidades ng mga ito. Nabatid na nalamang peke ang  cedula  dahil sa pangalan at pirma ng City Treasurer.

Sa peke ay nakalagay pa rin ang pangalan ni Li­berty Toledo habang ang orihinal ay pangalan ni Rizal del Rosario. Magaspang din umano ang papel ng orihinal kumpara sa peke na sobrang nipis.

Dahil dito, sinabi naman Cirilo Tobias ng City Treasurer’s Office na mas makabubuting sa Manila City Hall kumuha ng  cedula.

Hindi naman matukoy ng treasurer’s office  kung ilang booklet ang na­wawala sa kanilang tanggapan.

ACIRC

AIDA BONA

ANG

BERNABE IRINCO

CHIEF INSP

CIRILO TOBIAS

CITY TREASURER

DIANNE DEFEO

FERNINO ORTEGA

JENNY DAVID

NBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with