^

Metro

Dobleng pag-iingat sa mga magtutungo sa sementeryo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagpaalala si Manila Vice Mayor Isko Moreno sa publiko na magdoble ingat at hu­wag nang magbitbit ng mga bagay na mahigpit na ipinagbabawal ipasok sa loob ng Manila North Cemetery (MNC) ngayong panahon ng Undas.

Ang nasabing paalala ay ipinahayag ni Moreno kasabay ng pagsagawa nito ng inspeksyon sa sementeryo ka­hapon ng umaga kung saan iprinisinta sa kanya ang mga nakumpiskang kagamitan na ipinagbabawal ipasok sa loob ng sementeryo tulad ng kut­silyo, pintura, matutulis na bagay, alak atbp.

Nanawagan din si Moreno sa mga magulang na may bitbit na maliliit na anak na lagyan ito ng “name tag” kung saan nakasulat dito ang kanilang pa­­ngalan, address, contact num­ber at pangalan ng kanilang mga magulang upang sakaling mawala sila o maligaw ay madali silang makilala at maisoli sa kanilang mga magulang.

 Nilibot ni Moreno ang MNC upang tiyakin ang mahigpit na seguridad na ipinapatupad ng mga kapulisan na naka-deploy sa loob ng nasabing sementeryo kung saan napag-alaman na umaabot sa mahigit 250 pulis Maynila ang itinalaga dito bukod pa ang may 800 tauhan ng Manila City Hall na magiging katuwang ng kapulisan upang mapanatili ang seguridad at kaayu­san sa nasabing kampo santo.

Inaasahan naman ni Moreno na magiging maayos at mapayapa ang pagbisita ng mga tao sa MNC dahil sa kahandaan ng pulisya gayundin ang lokal na pamahalaan ng Maynila.

Napag-alaman naman kay MNC Director Daniel “Dandan” Tan na may mahigit 35 Closed Circuit Television (CCTV) Ca­mera ang nakakabit sa buong paligid ng nasabing sementeryo upang mamonitor ang buong kaganapan sa loob nito.

 

 

 

ACIRC

ANG

CLOSED CIRCUIT TELEVISION

DIRECTOR DANIEL

MANILA CITY HALL

MANILA NORTH CEMETERY

MAYNILA

MGA

MORENO

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with