^

Metro

14-anyos kritikal sa kuyog, bugbog ng 4 na kelot

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa-isang bumagsak sa kamay ng Manila Police District (MPD) ang apat na lala­king responsable sa panggugulpi sa isang 14-anyos na totoy na nakaratay nga­yon sa Ospital ng Sampaloc.

Nakilala ang mga suspect sa tulong ng closed circuit television (CCTV) at ang mga ito ay nahaharap sa ka­ukulang kaso.

Nakapiit na sa MPD-sta­­tion 4 ang mga suspek na kinilalang sina Marlon Ligon­, 21, 2nd year HRM sa EARIST; Angelo Dula, 20; Julius Beltran, 18 caretaker ng computer shop at Jadeban Estin, 20 estudyante ng Arellano University, at pawang residente  ng Sampaloc, Maynila at responsable  sa pagkaka-ospital ng biktimang si RFJ Silvestre, Grade 7.

Sa ulat mula sa tanggapan ni P/Supt. Mannan Muarip, dakong alas-5:00 ng madaling-araw noong Oktubre 24 umuwi ang biktima na gulpi sarado, puno ng sugat at halos hindi na makatayo bunga ng panggugulpi sa kaniya ng mga suspek gamit ang mga bote at kahoy batay sa kuha ng CCTV sa tapat ng ABE College sa Legarda St., Sampaloc.

Hindi na nagawa pang makapagsalita ng biktima sa tindi ng mga tama kaya nagtungo ang ina ng biktima sa nakasasakop na barangay at doon natukoy na may CCTV sa pinangyarihan. Unang­ nakilala ang suspek na si Beltran at nang ito ay imbitahan ng barangay ay natukoy na rin ang pagkakakilanlan ng apat pang nakita sa CCTV footage na sangkot sa nasabing panggugulpi.

Hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng isinagawang panggugulpi sa biktima.

ACIRC

ANG

ANGELO DULA

ARELLANO UNIVERSITY

JADEBAN ESTIN

JULIUS BELTRAN

LEGARDA ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MANNAN MUARIP

MARLON LIGON

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with