^

Metro

Driver na sumagasa sa babaeng pasahero, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ang isang driver matapos na ireklamo nang bigong pagpatay sa kanyang­ babaeng pasahero, na sina­sa­­bing sinagasaan pa niya na naganap sa Brgy. Sto. Niño, Marikina City, kamakalawa.

Ang suspek na si Daniel Diesta, ay inaresto bunsod ng reklamong frustrated murder ng complainant na si Hershey May Mabasa.

Sa reklamo ni Mabasa, na­batid na dakong alas-8:30 ng umaga kamakalawa nang maganap ang insidente sa Guerilla St. sa Brgy. Sto. Niño.

Sakay si Mabasa ng passenger van na minamaneho ng suspek nang bigla umano itong magpreno sanhi upang maumpog ang ulo ng biktima at masugatan.

Dahil dito, sinabihan ni Mabasa ang suspek na itigil ang van sa himpilan ng pulisya dahil nais niyang magsampa ng reklamo bunsod nang insidente.

Nagalit umano ang suspek kaya’t puwersahan siya nitong hinila pababa mula sa sasakyan at tinangkang atrasan ng van, na ang layunin aniya ay upang patayin siya.

Masuwerte namang ang kanang paa lamang ng complainant ang nasagasaan ng van ng suspek, bago ito tumakas.

Kaagad namang nagtu­ngo sa pagamutan ang biktima upang magpagamot bago nagreklamo sa pulisya.

Naaresto naman ng mga awtoridad ang suspek nang magtungo ito sa PCP 3 ng Marikina City Police at i-report na isang lasing na babae ang nagtangkang sumira sa kanyang sasakyan.

Positibo naman itong kinilala ni Mabasa na siyang sumagasa sa kanya.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATILDE

BRGY

DANIEL DIESTA

GUERILLA ST.

HERSHEY MAY MABASA

MABASA

MARIKINA CITY

MARIKINA CITY POLICE

STO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with