^

Metro

32 timbog sa ‘Lambat Sibat’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umabot sa 32 mga wanted at kawatan ang naaresto ng Quezon City police sa patuloy ng kampanya laban sa kriminalidad sa naturang lunsod,

Sa report ni QCPD Director P/Chief Supt. Edgardo G. Tinio, unang naaresto ng mga operatiba ng Oplan Lambat- Sibat ng Masambong Police Station 2, Laloma Police Station 1 , Novaliches Police Station 4  at Cubao Police Station 7 ang 15 kataong  wanted at  may kasong paglabag sa Drugs Law.

Nakumpiska sa mga suspek ang  sampung  heat-sealed plastic sachets ng  shabu at  illegal drug paraphernalia.

Kasabay nito, nahuli rin ng mga tauhan ng Police Station ng Novaliches (PS-4), Fairview (PS-5), at Batasan (PS-6) ang limang wanted katao na may standing arrest warrants habang siyam na iba pa ang arestado sa paglabag sa special laws at City weapons.

Naaresto naman ng Police Station 2 sa Masambong ang tatlong magnanakaw.

Kaugnay nito, anim na nakaw na motorsiklo naman ang na –impound  ng QC police at isinailalim sa verification ng Land Transportation Office (LTO).

Ang mga arestadong wanted persons ay nakapiit ngayon  sa  mga nasabing himpilan ng pulisya sa Quezon City makaraang sampahan ng kaukulang kaso sa Quezon City Prosecutors Office.

vuukle comment

ANG

CHIEF SUPT

CUBAO POLICE STATION

DIRECTOR P

DRUGS LAW

EDGARDO G

LALOMA POLICE STATION

NBSP

POLICE

POLICE STATION

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with