Dahil sa selos ginang kinatay ng ka-live in
MANILA, Philippines – Dahil sa matin-ding selos, isang ginang ang pinatay sa saksak ng kanyang kinakasama, kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.
Dead-on-arrival sa Ospital ng Parañaque ang biktimang si Jeanalyn Amores, 28, re-sidente ng Lapid Market Compound, Brgy. Baclaran ng naturang lungsod sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Jonathan Dionisio, 40, vendor.
Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente alas-9:30 ng gabi sa loob ng bahay nang mag-live-in.
Nabatid na matagal nang nagsasama ang biktima at suspek, subalit nakabalita ang suspek na may ibang lalaking nanliligaw kay Amores.
Dahil dito kinompronta ng suspek ang biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
Sa kainitan nang pagtatalo ng dalawa, nakahagilap ng patalim ang suspek at nagawa nitong pagsasaksakin ang kinakasamang si Amores.
Matapos ang insi-dente ay mabilis na tumakas ang suspek, samantalang ang biktima ay dali-daling isinugod ng kanyang mga kapitbahay sa naturang pagamutan, subalit hindi na ito umabot ng buhay.
- Latest