^

Metro

Salvage victim, lumutang sa ilog Pasig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang lumutang sa Pasig River, sa bahagi ng Binondo, Maynila, sa ulat kahapon.

Nabatid na itinawag sa Manila Police District-District Tactical Operations and Communications (DTOC) ang natag­puang bangkay alas-9:15 ng umaga nitong Biyernes.

Walang nakuhang anumang pagkakakilanlan sa biktima na inilarawan ni PO3 Jorlan taluban ng MPD-Homicide Section na nasa 35 hanggang 40 anyos, 5’3 ang taas, maikli ang buhok, katamtaman ang pangangatawan, maputi, tadtad ng tattoo ang katawan partikular sa dibdib na may “12 DE UNA URAGON”. “JR AAP”  at “BOY SUMPAK” sa likod, “LITO FERIA” sa kanang bahagi ng torso, “TAN, RHEA, at tribal design” sa kanang braso, “JACKIELYN WISE 23” at “KULOT” sa kanang hita, spider web design sa kanang binti, walang sapin sa paa,  nakasuot ng maong na shorts at puti ang t-shirt,

Sa imbestigasyon, napansin lamang ng bystanders ang nakalutang na bangkay sa likod ng Uno Restaurant, sa Muelle Del Banco St., Escolta, Binondo, Maynila.

Sa pagsusuri, nagtamo ng bala sa panga ang biktima na posibleng matapos barilin ay itinapon sa ilog.

Inilagak sa St. Ivan Funeral morgue ang bangfkay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINONDO

BIYERNES

HOMICIDE SECTION

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT TACTICAL OPERATIONS AND COMMUNICATIONS

MAYNILA

MUELLE DEL BANCO ST.

PASIG RIVER

ST. IVAN FUNERAL

UNO RESTAURANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with