^

Metro

3 miyembro ng ‘Sayas Group’, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng kilabot na ‘Sayas Group’ na umano’y responsable sa mga kaso ng holdapan at pagpatay ang nadakip sa isinagawang operasyon ng pulisya kamaka­lawa ng gabi sa kanilang hideout sa Valenzuela City.

Kinilala ni Senior Supt. Audie Alolor Villacin, hepe ng Valenzuela City Police ang mga nadakip na suspek na sina Roberto Asis, 35; Reynaldo Lubinas, 31 at ang umano’y lider na si Noel Barcelon alyas Sayas, 45.

Una rito, nagsagawa ng surveillance operation ang pulisya hinggil sa illegal na aktibidades ng grupo matapos makatanggap ng impormasyon mula sa kanilang asset.

Nang maging positibo ang impormasyon ay agad bumuo ng team ang mga operatiba ng Valenzuela City Police Intelligence Unit bago sinalakay ang hideout ng mga suspek sa Calle 11, Barangay Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod alas-11:00 ng gabi.

Hindi na nakapanlaban ang mga suspek sa mga pulis kung saan nakumpiska sa mga ito ang dalawang baril, ilang bala, patalim at isang walang plakang motorsiklo na sinasabing ginagamit ng mga ito sa kanilang illegal na gawain.

ANG

AUDIE ALOLOR VILLACIN

BARANGAY GEN

DE LEON

MGA

NOEL BARCELON

REYNALDO LUBINAS

ROBERTO ASIS

SAYAS GROUP

SENIOR SUPT

VALENZUELA CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with