^

Metro

Amok: Barangay tanod patay, 1 pa sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang barangay ta­nod ang nasawi habang sugatan naman ang isa pang ka­samahan nito makaraang atakehin ng saksak ng isang lasing na lalaking nag-aamok sa kanilang barangay sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), ang na­­sawi ay kinilalang si Francisco Peniz, 52, ha­bang ang sugatan naman ay si Arnold Legaspi, 47.

Arestado naman sa follow-up operation ng barangay ang suspect na si Jason Francisco, 21, binata ng nasabi ring lugar.

Sa ulat ni SPO2 Cris Zaldarriaga, nangyari ang insidente sa cover court sa kanilang ba­rangay ganap na alas- 6 ng gabi.

Ayon sa testigong si Loreta Tamay, bisi siya sa pagbabantay ng kanyang tindang “Ukay-Ukay” nang  makita niya ang suspect na arma­do ng patalim at naglalakad papalapit sa mga biktima na noon ay nag-iinuman malapit sa lugar.

Nang makalapit ang suspect sa mga biktima, bigla na lang sinampal ng una si Peniz, bago sinaksak sa leeg. Nakita naman ni Legazpi ang ginawa ng suspect kung kaya tinangka niyang awatin ito pero maging siya ay inundayan ng saksak nito sa kanang braso.

Sa puntong ito, nag­pasya si Legazpi na sumibat palayo sa lugar para iligtas ang kanyang sarili,  habang ang suspect naman ay muling binalikan ang naiwang si Peniz at sinaksak muli sa leeg, saka tumakas.

Samantala, sa fol­low-up operation ng Ba­rangay ay agad na­mang nadakip ang sus­pect sa kanyang kaanak sa Marikina.

ACIRC

ANG

ARNOLD LEGASPI

CRIS ZALDARRIAGA

FRANCISCO PENIZ

JASON FRANCISCO

LEGAZPI

LORETA TAMAY

PENIZ

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with