^

Metro

Menchie Abalos papalit sa mister sa Mandaluyong

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil tapos na ang 3-term ng kanyang mister kaya si Carmelita ‘Menchie’ Abalos ang siyang nag-file ng kanyang certi­ficate of candidacy bilang alkalde ng Mandaluyong City kahapon­ ng umaga. Ganap na alas-8:00 ng umaga ay du­malo muna sa isang misa si Menchie at pagkatapos ng misa ay sinamahan siya ng kanyang libu-libong supporters sa Comelec para mag-file ng COC.

Kasama ni Menchie ang kanyang running mate sa pagka-bise alkalde na si Councilor Anthony Suva at kanilang mga konsehal sa ilalim ng Liberal Party.

Ayon kay Mayor Benhur Abalos, sasabak sa pulitika ang kanyang may-bahay para maipagpatuloy ang magandang na­gawa ng kanyang administrasyon o tatak na: Gawa hindi salita.

 Nabatid na umani ng iba’t-ibang parangal o pagkilala ang Mandaluyong City tulad ng Seal of Good Governance at UN Public Service Award. Kung sakaling palarin na manalo si Menchie ay siya ang kauna-unahang babaeng magiging alkalde­ ng lungsod.

 

vuukle comment

ABALOS

ACIRC

ANG

AYON

COUNCILOR ANTHONY SUVA

LIBERAL PARTY

MANDALUYONG CITY

MAYOR BENHUR

MENCHIE

PUBLIC SERVICE AWARD

SEAL OF GOOD GOVERNANCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with