^

Metro

Problemado sa pera, nagbigti

, Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil sa problema sa pera at pamilya, isang mister ang nagbigti ng nylon cord kahapon ng umaga sa Pasay City.

Dead-on-the-spot si Arnel Lacabra, 47,  nakatira sa #275 Edang St., Tramo naturang lungsod.

Sa natanggap na report ni Police Sr. Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-5:45 ng umaga sa loob ng bahay ng pamilya Lacabra.

Nabatid na pinalabas muna ng biktima ang kanyang misis na si Nela at ang kanilang anak na babae, na labis nilang ipinagtataka.

Pagbalik nang mag-ina sa kanilang bahay ay gumulantang sa kanila ang nakabigti nilang padre de pamilya. 

Kaagad pinutol ni Nela ang nylon cord upang kalagan ang asawa sa pag-aakalang maisasalba pa ang buhay nito, subalit isa na itong malamig na bangkay.

Sa nakalap na impormasyon ng Pasay City Police sa kaanak ng biktima, labis umanong dinamdam ng biktima na sa kabila ng matagal niyang pagtatrabaho ay wala siyang naipong pera para sa kanyang pamilya, kaya’t na-depressed ito at kinitil ang sariling buhay.

ANG

ARNEL LACABRA

DAHIL

EDANG ST.

JOEL DORIA

KAAGAD

LACABRA

NELA

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

POLICE SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with