^

Metro

Quarters ng Army, bahay natupok

Ricky Tulipat, Mer Lay­son - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P1.2 milyong halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang ilang quarters ng Philippine Army sa loob ng headquadters nito sa Fort Bonifacio, Taguig City kamakalawa ng hapon

Sa ulat ni Col. Benjamin Lao, tagapagsalita ng PA, nasunog ang  Enlisted Personnel Quarters - 11 (EPQ - 11)  na may 10 pintuang apartment na matatagpuan sa loob mismo ng nasabing tanggapan.

Nagsimula ang sunog alas-3:30 Sabado ng hapon sa door 7 na inuokopahan ng isang Staff Sgt. Dalusong.

Tatlong Fire Trucks ng Philippine Army ang agad anyang rumesponde sa insidente habang walong  fire trucks pa mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) Taguig City at iba pang fire volunteers ng Taguig at Pasig City ang nagtulong-tulong para maapula ang apoy.

Idineklara ng fire marshal ng Philippine Army na fire out ang sunog alas  4:40 ng hapon.

Umabot naman sa 10 pamilya ang naapektuhan ng sunog na ngayon ay nagkakanlong sa Enlisted Personnel Transient Quarters.

Samantala, P1-M halaga ng ari-arian din ang natupok sa sunog na naganap sa Pasig City, kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection sa Pasig City, nabatid na ang sunog ay naganap dakong alas-12:05 ng madaling araw sa Jade St., Donya Juliana Village, Brgy. Rosario, Pasig City sinasabing sa likurang bahagi ng bahay ng pamilyang Garcia nagsimula ang apoy na mabilis na kumalat sa kabuuan ng dalawang apartment dahil gawa lamang sa light material.

Nagtagal ng mahigit sa isang oras ang sunog bago tuluyang naapula.

Inaalam ngayon ng mga awtoridad kung may foul play o sinadya ang nasabing sunog na wala namang naiulat na nasawi at nasaktan.

ANG

BENJAMIN LAO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DONYA JULIANA VILLAGE

ENLISTED PERSONNEL QUARTERS

ENLISTED PERSONNEL TRANSIENT QUARTERS

FIRE

FORT BONIFACIO

PASIG CITY

PHILIPPINE ARMY

TAGUIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with