^

Metro

Isko nagbitiw bilang ‘traffic czar’ ng Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pormal nang nagbitiw bilang  traffic czar ng Maynila si Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Sa isang press confe­rence, sinabi ni Moreno na ang kanyang pagbibitiw ay pagbibigay daan sakaling magdesisyon siyang tumak­bo sa mas mataas na puwesto.

Kasabay nito, sinabi ni Manila Mayor Joseph Estrada na concurrent siya sa puwesto habang wala pa siyang nahahanap na kapalit ni Moreno.

Sinabi ni Moreno na personal niyang kinausap­ si Estrada kung saan bini­bigyan din niya ito ng laya na pumili ng kanyang kapalit.

Ayon kay Moreno, hindi naman lingid sa publiko na may plano siya tumakbo sa mas mataas na puwesto kung kaya’t nagbitiw siya upang maiwasan ang im­presyon ng pamumulitika.

Umaasa lamang siya na  pananatilihin at pagbubutihin  ng  papalit sa kanya ang  sistema sa pagmamando ng daloy ng trapiko sa lungsod.

Aniya, hindi biro ang tra­baho ng mga traffic en­for­cers kaya’t kailangan ang sinsero at matiyagang magba­bantay sa mga pa­­saway na drivers at pasaway na motorista.

Ipinagmalaki ni Moreno na epektibo naman ang kanilang polisiya subalit marami lamang na mga motorista ang ayaw sumunod sa batas.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANIYA

AYON

IPINAGMALAKI

KASABAY

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MORENO

NBSP

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with